Tiniyak ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto sa Land Bank of the Philippines ang suporta ng Kagawaran ng Pananalapi sa kanilang pagkamit ng 2024 targets.
Sa kanyang pulong kay LandBank President and CEO Ma. Lynette V. Ortiz, tinalakay nito ang bank operation ng LBP, financial performance, at mga pangunahing programa tungo sa digitalization, financial inclusion, at national development.
Pinuri rin ng kalihim ang state-run bank dahil nalagpasan nito ang kanilang 2023 target, at namintini ang matibay na capital position habang sinusuportahan ang sektor ng agrikultura, fisheries, at rural development.
Kinilala rin ni Recto ang patuloy na ambag ng banko sa mga programa ng national government at sa pagpapatupad nito ng mga programa sa pamamagitan ng digital platforms.
Umaasa ang DOF chief sa tagumpay ng kanilang mga adhikain ngayong taon kabilang na rito ang national development lending, treasury and investment, digital banking, at cyber security. | ulat ni Melany Valdoz Reyes