Hinimok ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto ang Amerika na palakasin ang trade partnership nito sa PIlipinas upang i-diversify ang supply chain at paghusayin ang economic resilience.
Sa kanyang bilateral meeting kay US Department of State Undersecretary for Economic Growth, Energy, and Environment Jose Fernandez, natalakay ang mga pamamaraan para sa “strategic partnerships and closer cooperation” ng dalawang bansa upang pagtibayin ang economic resilience.
Ayon kay Undersecretary Fernandez kabilang sa mga specific areas of interest ng U.S. ay critical minerals, semiconductors, at energy security.
Nagpahayag naman ng kagustuhan si Recto para sa kolaborasyon dahil kinikilala nito ang role ng Amerika na maghahatid ng potential investment sa bansa at mas makakaengganyo sa iba pang investors.
Tiniyak din nito sa US officials ang pagsisikap ng gobyerno na tugunan ang mga concerns ng mga investors gaya ng mataas na electricity cost, ang panukalang amyenda sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE), at iba pang hakbang upang mapadali ang pagnenegosyo sa Pilipnas. | ulat ni Melany Valdoz Reyes