Kinikita na ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang positibong epekto ng mga long weekends para sa taong 2024 sa sektor ng turismo sa bansa.
Sa pahayag ni Frasco, binigyang diin nito ang ang potensiyal na sa pamamagitan ng mga long weekends ay maitataas nito ang ang sektor ng turismo sa Pilipinas, na kasalukuyang sumasabay sa trend ng ‘revenge travel.’
Dagdag pa ng DOT chief, na ang estratehiyang tulad ng long weekend vacation ay sang-ayon rin sa National Tourism Development Plan, na layuning itulak ang pambansang turismo sa bansa.
Ayon sa tala ng PSA, noong 2022 nakapagtala ang bansa ng aabot sa 102 million domestic trips o katumbas ng P1.5 trillion sa domestic tourism expenditure.
Kaya naman patuloy ang paghimok ni Sec. Frasco sa mga Pilipino na sa pamamagitan ng extended weekends na tuklasin ang mga hidden gems ng bansa at itaguyod ang pagpapahalaga sa iba’t ibang kultura sa Pilipinas. | ulat ni EJ Lazaro