Nakiisa ang Department of Transportation (DOTr) kasama ang iba mga ahensya ng pamahalaan sa ginanap na kick-off rally ng Bagong Pilipinas sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Dumalo si Transportation Secretary Jaime Bautista sa naturang pagtitipon upang magbigay ng mensahe at suporta.
Ayon kay Bautista, patuloy na isusulong ng DOTr ang modernisasyon sa mga pampublikong transportasyon sa bansa sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
Dagdag pa ng kalihim, na ipatutupad din ang PUV Modernization Program para maging maayos, ligtas, at mura ang travel experience ng mga pasahero.
Samantala, umabot naman sa 400,000 ang bilang ng mga kababayan natin na lumahok sa kick-off rally ng Bagong Pilipinas sa Quirino Grandstand sa Maynila. | ulat ni Diane Lear
Photo: DOTr