Ipinangako ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) ng Department of Transportation (DOTr) na susuportahan nito ang mga Public Utility Vehicle driver na hindi nakapag-consolidate na makahanap ng trabaho sa loob ng mga nabuong kooperatiba o korporasyon.
Ayon kay OTC Chairman Andy Ortega, iginiit nito ang pagtutok ng pamahalaan sa mga driver na apektado na makapag-trasition sa bagong employment opportunities mula sa tradisyunal na driver-operator relationship.
Hinihimok din nito ang mga apektadong drivers na sumali sa mga nabuong kooperatiba at korporasyon para makapagpatuloy sa pagtatatrabaho bilang mga PUV drivers.
Ayon sa ulat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hindi bababa sa 190,000 na PUVs na sa buong bansa ang nakapag-consolidate, katumbas ng 1,728 na kooperatiba at korporasyon na naitatag mula nang simulan ang programa noong 2017.
Siniguro naman ni Board Member Riza Marie Paches sa mga operators na makakabiyahe pa rin ang mga consolidated na mga traditional jeepneys hanggang mapalitan ang mga ito ng mas environmentally friendly na mga sasakyan sa loob ng 27 buwan ng permit issuance.
Binigyang-katwiran din ni Ortega ang mga alalahanin ng Commission on Human Rights (CHR), at tiniyak na considerate at balanse ang kanilang approach sa implementasyon ng PUV modernization program.| ulat ni EJ Lazaro