Iginiit ng Department of Tansportation o DOTr na huli na ang April 30 deadline para sa franchise consolidation para sa mga jeepney sa bansa.
Ito ang inihayag ni DOTr Sec. Jaime Bautista makaraang aprbuahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang pagpapalawig ng franchise consolidation ng mga jeepney sa ilalim ng PUV Modernization Program.
Sa ipinatawag na pulong balitaan ngayong araw, sinabi ng Kalihim na kaya nila inirekumenda sa Pangulo na palawigin pa ang franchise consolidation ay bilang pakikinig na rin sa hinaing ng iba pang driver at operator na makahabol sa programa.
Para sa kaniya, sapat na ang 3 buwang palugit na ibinigay at kahit pa aniya magkaroon ulit ng panibagong diyalogo sa mga grupong pangtransportasyon o magpatawag ng panibagong pagdinig sa Kamara, buo na ang kanilang pasya.
Samantala, sinabi naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board – National Capital Region o LTFRB-NCR Director, Atty. Zona Russet Tamayo na mas marami pang maghahain ng aplikasyon. | ulat ni Jaymark Dagala