Sinisimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ang isang bus-based public transportation system para sa Davao.
Tinawag itong Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP) – na hiwalay ngunit kahalintulad sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Ang DPTMP o DavaoBus ay kinapapalooban ng pagtatatag ng mga nakalaang bus lane, depot at terminal sa isang network route na higit sa 600 kilometro.
Gagamitin ng DavaoBus Project ang modern buses na nakasunod sa PUVMP.
Pinondohan ng Asian Development Bank, ang DavaoBus ay isang 672-kilometer project na may siyam na ruta na ikokonekta sa mga pangunahing lugar sa Davao City, Panabo City, at Davao del Norte.
Ang proyekto ay lilikha ng intelligent transport system isang environment-friendly buses at modernized PUVs na may standardized operations at maaasahang bus schedules.
Ang DavaoBus ay isang pinalawak na bersyon ng matagumpay na EDSA Busway. | ulat ni Rey Ferrer