Itinuturing na hamon ng Department of Transportation (DOTr) at ng iba pang ahensya ng pamahalaan ang paghahanap ng pangmatagalang solusyon sa problema sa trapiko sa Metro Manila.
Ginawa ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang pahayag kasunod ng ulat ng Tomtom International kung saan nanguna ang Metro Manila sa may pinakamalalang trapiko sa buong mundo.
Ayon sa kalihim, ang mga ginagawang transport infrastructure project ng pamahalaan ay isa sa mga hakbang upang matugunan ang lumalalang trapiko sa Metro Manila.
Kaugnay nito, patuloy aniya ang paghahanap ng creative na solusyon ang DOTr at pabibilisin ang mga transport infrastructure project sa bansa upang matugunan ang problema sa trapiko. | ulat ni Diane Lear