Natapos na ng Department of Public Works and Highways ang mahigit ₱72 milyong piso na flood control project sa Alaminos, Pangasinan.
Ayon sa report ni DPWH Region 1 director Ronnel Tan kay Sec. Bonoan, ang naturang proyekto ay magbibigay ng harang para sa mga magsasaka sa lugar tuwing tumataas ang tubig sa Alaminos River.
Ito aniya ang siyang mag-iiwas na mabaha ang mga kalapit na taniman sa lugar lalo na sa panahon ng tag-ulan at mga bagyo.
Ang nasabing proyekto na pinondohan ng 2022 General Appropriations Act ay mahalaga dahil sa direkta nitong pinoprotektahan ang sakahan sa paligid ng Alaminos River.
Paliwanag ni Tan, ang pagkakatapos ng naturang proyekto ay pagpapatunay ng kanilang commitment na protektahan ang mga lupang sakahan mula sa mga natural na kalamidad. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: DPWH