Nagkaloob ng P3,900,000 halaga ng Seed Capital Fund ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa 13 organized livelihood associations sa Tapaz, Capiz.
Ang asosasyon ay mula sa 13 iba’t ibang barangays, 11 dito ay mga recipients ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) Program, at ang dalawang iba pa ay recipients ng Executive Order (EO) 70 Program.
Bawat isang asosasyon ay tumanggap ng P300,000 na gagamitin para sa pagtatatag ng kanilang mga proyektong pangkabuhayan.
Ayon sa DSWD, ang PAMANA ay isang priority development program ng pamahalaan na inilunsad noong 2011 na sumusuporta sa Peace Negotiation Track.
Habang ang EO70, Series of 2018, o mas kilala sa tawag na Whole-of-the-Nation ay isang diskarte sa pagkamit ng inclusive at sustainable peace sa armed conflict. | ulat ni Rey Ferrer