DSWD, naglaan ng P374.3-M na tulong pinansyal para sa mga pamilyang apektado ng shear line sa Northern Samar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglaan ng mahigit P374.3 milyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mabigayan ng tulong pinansyal ang aabot sa 123,000 na pamilya na apektado ng shearline sa Northern Samar.

Inatasan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang Field Office-8 (Eastern Visayas), na tulungan ang mga pamilya sa Northern Samar na makarekober mula sa epekto ng shearline na naranasan ng lalawigan noong November 2023.

Sa katunayan, sinimulan na ng DSWD Eastern Visayas ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga pamilya sa Northern Samar sa ilalim ng Emergency Cash Transfer (ECT) program ng ahensya.

Nakapagpamahagi na rin ang Field Office 8 ng cash aid na nagkakahalaga ng P32.7 sa mahigit 10,000 mga benepisyaryo sa iba’t ibang bahagi sa nasabing lalawigan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us