Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng mga pag-ulan at bahang dulot ng shear line.
Sa pinakahuling tala ng DSWD, aabot na sa ₱48.2-million ang halaga ng ayudang naihatid sa 388 apektadong barangay sa Region 10, 11, at CARAGA.
Samantala, as of January 21 ay umabot na sa higit 153,000 pamilya o katumbas ng higit 600,000 na indibidwal ang naitalang apektado ng shear line.
Mula sa bilang na ito, nasa 3,765 pamilya o 13,944 ang nananatili sa evacuation centers.
Umakyat na rin sa 20 kabahayan ang naitala ng DSWD na napinsala ng shear line habang 142 ang partially damaged. | ulat ni Merry Ann Bastasa