Umabot sa higit ₱10 milyong piso ang halaga ng naipamahaging tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga katutubong natulungan ng Oplan Pag-Abot nitong Disyembre ng 2023.
Ayon sa DSWD, kabilang sa naipaabot nitong tulong ang food packs at financial assistance partikular sa mga katutubong naiuwi ng Oplan Pag-Abot Team sa Mabalacat, Floridablanca, at Porac, Pampanga at Capas, Tarlac.
Mula nang umarangkada ang “Pag-Abot sa Pasko” special reach out activity, nasa 800 na indibiwal at batang nasa lansangan na ang kanilang natulungang maiuwi sa kanilang mga pamilya o kaya ay madala sa mga DSWD Centers and Residential Care Facilities (CRCFs) upang samantalang manirahan.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng DSWD na magpapatuloy pa rin ang pag-iikot ng Oplan Pag-abot team sa buong Metro Manila ngayong 2024. | ulat ni Merry Ann Bastasa