Palalakasin pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ng social services sa publiko na makakaangkop sa pagbabago ng socio-economic landscape ngayong 2024.
Ayon kay DSWD Asst. Secretary Irene Dumlao, sa kabuuang P245-bilyon na budget ng ahensya ngayong taon, gagamitin ito para pondohan ang kasalukuyang social welfare and development programs and services at ang pagpapatupad ng innovations on digital transformation ng ahensya.
Uunahin din ng DSWD ngayong taon ang muling pagsasaayos ng mga kasalukuyang programa nito upang maging mas inklusibo at umaayon sa pagbabago ng mga pangangailangan ng mga target na benepisyaryo.
Sa usapin ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps), ipagpapatuloy ng DSWD ang pagbibigay ng mga interbensyon sa mga magtatapos at lumalabas na mga benepisyaryo ng 4Ps.
Sa usapin ng capacity building, inaabangan ng departamento ang buong operasyon ng DSWD Academy ngayong taon upang bigyang kapasidad ang mga LGU at social welfare agencies sa kanilang pagkakaloob ng mga serbisyo.
Ilulunsad din ng DSWD ang Buong Bansa Handa Program, isang bagong disaster preparedness program,bukod sa pagpapalakas pa sa disaster response at management operations nito. | ulat ni Rey Ferrer