Kinumpirma ni National Authority for Child Care (NACC) Executive Director at DSWD Undersecretary Janella Ejercito Estrada na gagawin ng kanilang pamilya ang lahat ng legal remedies para patunayan ang pagiging inosente at malinis ang pangalan ng kanyang amang si Senador Jinggoy Estrada.
Ito ay kaugnay ng naging hatol kay Senador Jinggoy ng Sandiganbayan Fifth Division na guilty para sa mga kasong direct at indirect bribery, samantalang not guilty naman ang hatol ng korte para sa kasong plunder.
Sa isang pahayag, sinabi ni Usec. Janella na ang acquittal ng kanyang ama ay nagtanggal ng malaking pasakit sa kanilang pamilya na matagal na nilang pinapasan.
Ang legal na laban na ito aniya ay sumubok sa katatagan ng kanilang pamilya.
Para sa opisyal, vindicated na ang kanyang ama.
Giit ni Usec. Janella, bagamat hindi ganap ang pagkatig ng Sandiganbayan justices ay lubos pa ring nagpapasalamat ang kanilang pamilya dahil napawalang sala na ito sa kasong plunder si Senador Jinggoy. | via Nimfa Asuncion