Kasunod ng pag-apruba ng Department of Trade and Idustry (DTI) sa unang batch ng price adjustment para sa ilang klase ng kape at asin.
Nilinaw ng DTI na hindi lahat ng price adjustment ay nangangahulugang magtataas ng presyo. May ilan aniyang nagbawas ng presyo o timbang partikular sa ilang klase ng kape.
Samantala, nasa 8% naman ang taas presyo sa ilang uri ng asin.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang assessment ng DTI sa ilan pang request para sa price adjustment ng ilang manufacturers.
Kaugnay nito ay nanawagan naman ang DTI sa publiko na i-report ang mga tindahang nagbebenta ng mas mataas kumpara sa suggested retail price ng produkto. | ulat ni Diane Lear