Inilunsad na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paggamit ng electronic at pocket-sized gadgets para sa profiling ng mga individuals, children and families na nasa street situations.
Layon nitong mas lalo pang mapagbuti ang implementasyon ng Oplan Pag-Abot ng ahensya.
Ayon kay DSWD Assistanct Secretary for e-Governance and Information Technology Concerns Julius Gorospe, ang paggamit ng tablet-based profiling app ay parte ng digital transformation effort ng DSWD.
Dahil sa tablet-based profiling app na gagamitin ng mga social workers na umaasiste sa mga indibidwal at pamilyang naninirahan sa mga lansangan, automatic ding maa-update in real time ang lahat ng mga impormasyon ng mga ito kahit na ang mga ito ay nasa remote areas pa.
Kabilang sa mga features ng e-profiling tool ay ang geotagging function na tutulong sa Oplan Pag-Abot Teams upang mapabilis at mapadali na ma-locate at matulungan ang mga indibidwal at pamlyang naninirahan sa lansangan. | ulat ni Rey Ferrer