Ikinalugod ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapalabas ng Malakanyang ng Executive Order (EO) No. 52, na naglalayong palawakin at gawing institutional ang Pag-abot program ng ahensya.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang programa ay naglalayong matulungan ang marami pang mamamayan na nangangailangan ng kalinga ng pamahalaan.
Nilagdaan nitong nakaraang Huwebes ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang EO No. 52 ay naglalayon na bumuo ng isang Inter-Agency Committee (IAC) para sa pagpapalakas at pagpapabilis ng serbisyo ng Oplan Pag-abot.
Sa ilalim ng EO, ang DSWD Secretary ang magsisilbing inter-agency committee habang ang Department of the Interior and Local Government ang siya namang tatayo bilang vice chair. | ulat ni Rey Ferrer