Extension ng jeepney consolidation, dapat gamitin para pag-aralang mabuti ang PUV modernization – Sen. Poe

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe na mainam na gamitin ang tatlong buwang extension ng jeepney consolidation para sa pagsasagawa ng masusing review ng PUV (public utility vehicle) modernization program.

Ito ay kasunod ng anunsiyo na palalawigin hanggang Abril ng taong ito ang jeepney consolidation.

Ayon kay Poe, dapat gamitin ang naturang panahon para mapag-aralang mabuti ang benepisyo ng programa at nang maunawaan ang pagtutol ng ilang grupo dito.

Partikular aniyang dapat hindi balewalain ang hinaing tungkol sa mataas na halaga ng mga bagong unit ng jeepney.

Sinabi ng senador, na dapat ding silipin ang mga report ng mga nakatenggang units at mga hindi nasusunod na amortization payments ng ilang consolidated groups para makita ang viability ng programa.

Binigyang diin rin ni Poe, na dapat maging bukas ang mga transport official sa low cost alternatives gaya ng rehabilatasyon ng mga jeep na roadworthy pa at gawin silang environmentally-compliant.

Giniit ng mambabatas, na ang modernisasyon ay hindi lang basta tungkol sa consolidation at pagtapon sa mga iconic jeepney…

Ito aniya ay tungkol sa paghubog sa transportation landscape ng bansa para maging mas ligtas at mas maaasahan ng mga commuter at mas sustainable para sa mga driver at operator. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us