Pinalakas ngayon ng Western Mindanao Command (WestMinCom), kasama ang iba’t ibang ahensya ng seguridad ng pamahalaan, ang external defense operations sa kunlurang Mindanao at karatig nitong mga probinsya.
Ito’y matapos ang matagumpay na sama-samang kampanya laban sa terorismo at insurhensya sa iba’t ibang mga lugar sa rehiyon.
Kamakailan lang, nakipagtagpo si B/Gen. Taharudin Piang Ampatuan, deputy commander for External Defense Operations ng WestMinCom, kay Coast Guard Commodore Marco Antonio Gines, commander ng Coast Guard District Southwestern Mindanao, upang talakayin ang mekanismo at estratehiya para sa territorial defense sa buong timog at kanlurang Mindanao.
Ito’y may kaugnayan sa plano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) na paiigtingin ang kanilang operasyon upang mapangalagaan ang soberanya at maprotektahan ang terotiryo ng bansa.| ulat ni Lesty Cubol| RP1 Zamboanga Sibugay