Operasyon ng bagong transport network company na inDrive, sinuspinde ng LTFRB

Kinumpirma ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang pagsuspinde sa operasyon ng bagong transport network company (TNC) na inDrive. Ito ang napagdesisyunan sa ginanap na pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton, pinatawan ng suspension ng LTFRB ang TNC dahil sa paglabag sa fare… Continue reading Operasyon ng bagong transport network company na inDrive, sinuspinde ng LTFRB

23 sasakyan sa Parañaque, nahuli sa anti-colorum operation ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation

Sa pinaigting na ‘Anti-Colorum Campaign’ ng Department of Transportation (DOTr). Umabot sa 23 sasakyan ang nahuli sa operasyon na isingawa ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) sa Paranaque City at Pasay City ngayong araw. Ayon sa ulat ng SAICT-Special Operations Unit at Intelligence Monitoring and Evaluation Team, natiketan ang mga kolorum na… Continue reading 23 sasakyan sa Parañaque, nahuli sa anti-colorum operation ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation

SMC, bukas sa pagbibigay ng RFID discount para sa mga senior at PWD

Nakakuha ng commitment ang Kamara mula sa San Miguel Corp. (SMC) na aaralin nila kung paano mabibigyan ng diskwento ang mga senior at PWD sa expressways na kanilang pinamamahalaan. Ito ang inihayag ni dating DPWH undersecretary Rafael Yabut, na siya ngayong pinuno ng SMC Infrastructure Group sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Ways and Means… Continue reading SMC, bukas sa pagbibigay ng RFID discount para sa mga senior at PWD

Dagdag na pondo para sa Lung Center of the Philippines ngayong taon, tiniyak ni Sen. Angara

Siniguro ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara na naglaan ang pamahalaan ng P130 million para sa Lung Center of the Philippines(LCP) sa ilalim ng 2024 national budget. Ginawa ng senador ang pahayag kasabay ng pagdiriwang ng 42nd anniversary ng Lung Center of the Philippines ngayong araw. Sinabi ng mambabatas na ang dagdag na… Continue reading Dagdag na pondo para sa Lung Center of the Philippines ngayong taon, tiniyak ni Sen. Angara

Kumpletong listahan ng mga rutang kakapusin ng jeepney sa Pebrero, pinasasapubliko ni Senadora Poe

Nanawagan si Senate Committee on Public Services Chairperson Sen. Grace Poe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kumpletong listahan ng mga ruta na inaasahang makukulangan ng jeepney simula sa Pebrero 1. Giniit ni Poe na sa halip na pagtuunan ng pansin ang crackdown ng mga unconsolidated na mga jeep, dapat ay iprayoridad… Continue reading Kumpletong listahan ng mga rutang kakapusin ng jeepney sa Pebrero, pinasasapubliko ni Senadora Poe

48 PDLs mula New Bilibid Prisons, nailipat na sa Abuyog Leyte Regional Prison

Nailipat na ang 48 Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Abuyog Leyte Regional Prison mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinpula City. Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Chief Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ang paglilipat ng mga PDL mula sa NBP patungo sa iba’t ibang penal farms sa bansa ay bahagi ng… Continue reading 48 PDLs mula New Bilibid Prisons, nailipat na sa Abuyog Leyte Regional Prison

PCSO, bukas na suriin ng Senado ang proseso ng mga lotto draw

Inihayag ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) na bukas ang kanilang pintuan sa mga miyembro ng Senate Committee on Games and Amusement upang obserbahan at bumuo ng rekomendasyon sa operasyon ng mga lotto draw. Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, kumpiyansa siya sa sistema ng mga lotto draw ng ahensya. Sa isang liham na… Continue reading PCSO, bukas na suriin ng Senado ang proseso ng mga lotto draw

Pamamahagi ng cash assistance sa mga sinalanta ng lindol sa Sarangani, tuloy-tuloy – DSWD

Tuloy pa rin ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan noon ng malakas na magnitude 6.8 na lindol sa Saranggani Province. Sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa SOCCSKSARGEN, partikular na makakatanggap ng tulong ang mga pamilyang nasiraan at nawalan ng bahay. Kabilang sa mga huling binigyan ng tulong… Continue reading Pamamahagi ng cash assistance sa mga sinalanta ng lindol sa Sarangani, tuloy-tuloy – DSWD

COMELEC, aminadong ‘di kakayanin magkaroon ng plebesito sa huling quarter ng 2024 kasabay ng paghahanda sa 2025 mid-term elections

Aminado ang Commission on Elections (COMELEC) na hindi na nila kakayaning pagsabayin ang paghahanda sa 2025 mid-term elections, at pagdaraos ng plebesito sa huling quarter ng 2024. Sa briefing ng House Committee on Suffrage and Electoral Reform para sa paghahanda sa 2025 mid-term elections, natanong ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel ang COMELEC kung may… Continue reading COMELEC, aminadong ‘di kakayanin magkaroon ng plebesito sa huling quarter ng 2024 kasabay ng paghahanda sa 2025 mid-term elections

Mga senador, pumirma sa isang manifesto na mariing tumututol sa People’s Initiative

Pinirmahan ng dalawampu’t apat na senador ang manifesto na nagpapahayag ng kanilang mariing pagkondena na isinusulong na Peoples Initiative na layong amyendahan ang Saligang Batas ng Pilipinas. Sa sesyon ngayong hapon, binasa ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang nilalaman ng naturang manifesto. Nakasaad dito ang pagrespeto at pagkilala ng mataas na kapulungan sa taumbayan… Continue reading Mga senador, pumirma sa isang manifesto na mariing tumututol sa People’s Initiative