Pag-amyenda sa political provisions ng batas, hindi pa napapanahon

Binigyang diin ng Pangulo na tanging ang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon ang dapat na tutukan sa ngayon. Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gitna pa rin ng paglikom ng pirma ng mga botante, para sa People’s Initiative o ang kampaniya na layong baguhin ang batas. Sa isang panayam, ipinaliwanag ng… Continue reading Pag-amyenda sa political provisions ng batas, hindi pa napapanahon

Pagkilala ng Pilipinas sa One China Policy, hindi nagbabago, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Ferdinand Marcos Jr., Philippines president, during a meeting with US President Joe Biden, not pictured, in the Oval Office of the White House in Washington, DC, US, on Monday, May 1, 2023. The visit comes months after the Philippines granted the US greater access to its military sites, paving the way for greater American presence in Asia Pacific amid heightened tensions with China over Taiwan and the disputed South China Sea. Photographer: Michael Reynolds/EPA/Bloomberg via Getty Images

Mahigpit pa ring sinusunod ng Pilipinas ang One China Policy at hindi isinusulong ng bansa ang independence ng Taiwan. Ito ang paglilinaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., makaraang kwestyunin ng China ang ginawang pagbati ng pangulo sa bagong presidente ng Taiwan. Sa isang panayam, sinabi ng pangulo na common courtesy lamang ang ginawa niyang… Continue reading Pagkilala ng Pilipinas sa One China Policy, hindi nagbabago, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Sen. JV Ejercito, pinapabilisan ang pagsasakatuparan ng infra projects ng gobyerno para makatulong sa problema sa traffic

Nanawagan si Senador JV Ejercito na paspasan na ang mga infrastructure project ng pamahalaan para maresolba ang problema sa mabigat na daloy ng trapiko sa Pilipinas. Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng pagkakapangalan sa Manila bilang may worst traffic sa metro area sa buong mundo. Ayon kay Ejercito, kung may problema sa… Continue reading Sen. JV Ejercito, pinapabilisan ang pagsasakatuparan ng infra projects ng gobyerno para makatulong sa problema sa traffic

Sen. Villanueva, nanawagan sa liderato ng Kamara na ipatigil na ang pagpapirma para sa People’s Initiative

Hinikayat ni Senate Majority Leader Joel Villanueva si House Speaker Martin Romualdez na magsalita at ipatigil na ang pangangalap ng pirma para sa People’s Initiative. Sinabi ito ni Villanueva matapos makatanggap ng mga impormasyon na maraming mga kongresista mula sa mababang kapulungan ang nangunguna sa pangangalap ng pirma para sa PI. Giit ni Villanueva, ang… Continue reading Sen. Villanueva, nanawagan sa liderato ng Kamara na ipatigil na ang pagpapirma para sa People’s Initiative

Sen. Villanueva, nanawagan sa COMELEC na i-invalidate ang mga pirma sa People’s Initiative

Nakiisa si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Commission on Elections (COMELEC) na tiyaking balido ang mga pirmang nakalap para sa People’s Initiative . Sa pulong balitaan sa Senado, nagbahagi ng update si Villanueva sa naging tugon ng taumbayan sa kanyang panawagan kahapon na isumbong sa kanila… Continue reading Sen. Villanueva, nanawagan sa COMELEC na i-invalidate ang mga pirma sa People’s Initiative

DA, nagtalaga pa ng bagong opisyal sa ahensya

Pormal nang itinalaga ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. si Jerome Oliveros bilang Undersecretary for Special Concerns at Official Development Assistance-Foreign Aid/Grants. Pangangasiwaan ni Oliveros ang pagbuo at pagpapatupad ng mga patakaran at proyektong pang-agrikultura na naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga disadvantaged at cultural groups. Alinsunod ito sa kautusan ni Pangulong… Continue reading DA, nagtalaga pa ng bagong opisyal sa ahensya

PITX, 150-M pasahero ang naserbisyuhan buhat nang magsimulang buksan noong 2019

Umabot na sa 150 Million passengers ang naserbisyuhan ng Paranaque Integrated Terminal (PITX) simula ng buksan ito sa publiko noong taong 2019. Ayon sa PITX, ang naturang bilang ay naitala ngayong buwan at patuloy na nagdaragdagan sa bawat araw at oras na ito. Dagdag pa ng pamunuan ng naturang integrated terminal, simula nang magbukas ito… Continue reading PITX, 150-M pasahero ang naserbisyuhan buhat nang magsimulang buksan noong 2019

PCSO, nanindigan na lehitimo at totoong tao ang mga nagwawagi sa kanilang mga lottery games

Siniguro ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga miyembro ng House Ways and Means Committee na totoong tao ang mga nananalo sa kanilang lottery games. Ayon kay Atty. Maria Katrina Contacto, Executive Assistant ng Office of the General Manager ng PCSO, nakausap niya ng personal ang ilan sa mga nanalo. “What can I assure… Continue reading PCSO, nanindigan na lehitimo at totoong tao ang mga nagwawagi sa kanilang mga lottery games

External Defense Operations, pinalakas ng WestMinCom at ng ibang security agency ng pamahalaan

Pinalakas ngayon ng Western Mindanao Command (WestMinCom), kasama ang iba’t ibang ahensya ng seguridad ng pamahalaan, ang external defense operations sa kunlurang Mindanao at karatig nitong mga probinsya. Ito’y matapos ang matagumpay na sama-samang kampanya laban sa terorismo at insurhensya sa iba’t ibang mga lugar sa rehiyon. Kamakailan lang, nakipagtagpo si B/Gen. Taharudin Piang Ampatuan,… Continue reading External Defense Operations, pinalakas ng WestMinCom at ng ibang security agency ng pamahalaan

Toledo City Urban Poor Commission ng Cebu Provice, sinimulan na an pagtanggap ng aplikasyon para sa Pambansang Pabahay program

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Toledo sa lalawigan ng Cebu ang pagtanggap ng aplikasyon para sa mga nais mag-avail ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) program. Ayon sa Toledo City Urban Poor Commission (TUPC), maaaring mag-avail nito ang mga kawani ng local at national government agencies at Overseas Filipino Workers.… Continue reading Toledo City Urban Poor Commission ng Cebu Provice, sinimulan na an pagtanggap ng aplikasyon para sa Pambansang Pabahay program