Pangulong Marcos, nagpaabot ng special financial assistance sa 12 sugatang sundalo, matapos ang operasyon laban sa DI-MG

Personal na iniabot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang special financial assistance sa 12 sundalo na nagtamo ng injury, habang nakikipaglaban sa hanay ng Dawlah Islamiyah-Maute Group (DI-MG), na involved rin sa pagpapasabog sa gymnasium ng Mindanao State University-Marawi, noong Enero. Naka-confine ang mga ito sa Army General Hospital (AGH), Taguig City. Ayon kay… Continue reading Pangulong Marcos, nagpaabot ng special financial assistance sa 12 sugatang sundalo, matapos ang operasyon laban sa DI-MG

Ikatlong PH-US Maritime Activity sa WPS, matagumpay na naisagawa

Matagumpay na naisagawa kahapon ang ikatlong Joint Maritime Cooperative Activity sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at U.S. Indo-Pacific Command (USINDOPACOM) sa West Philippine Sea (WPS). Ang joint maritime activity ay nilahukan ng BRP Gregorio Del Pilar ng Philippine Navy at USS Gabrielle Giffords ng US Navy. Itinampok sa aktbidad ang passing… Continue reading Ikatlong PH-US Maritime Activity sa WPS, matagumpay na naisagawa

External Defense Operations, pinalakas ng WestMinCom at ng ibang security agency ng pamahalaan

Pinalakas ngayon ng Western Mindanao Command (WestMinCom), kasama ang iba’t ibang ahensya ng seguridad ng pamahalaan, ang external defense operations sa kunlurang Mindanao at karatig nitong mga probinsya. Ito’y matapos ang matagumpay na sama-samang kampanya laban sa terorismo at insurhensya sa iba’t ibang mga lugar sa rehiyon. Kamakailan lang, nakipagtagpo si B/Gen. Taharudin Piang Ampatuan,… Continue reading External Defense Operations, pinalakas ng WestMinCom at ng ibang security agency ng pamahalaan

Mga senador, kuntento sa naging briefing ng security cluster tungkol sa bombing incident sa MSU

Nagkaroon ng executive session ang mga senador kasama ang security cluster ng administrasyon kaugnay ng bombing incident na nangyari sa Mindanao State University (MSU) nitong Linggo. Layon ng naturang executive session na i-brief ang mga senador tungkol sa naturang insidente. Kabilang sa mga present sa naturang pagpupulong sina National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., AFP… Continue reading Mga senador, kuntento sa naging briefing ng security cluster tungkol sa bombing incident sa MSU

SP Zubiri, isusulong na ma-exempt ang defense department sa procurement law

Nais ni Senate President Juan Miguel Zubiri na magkaroon ng exemption ang Defense Department sa procurement law para mabili ng ating Sandatahang Lakas ang pinakaepektibo at episyenteng kagamitan. Sa plenary deliberation ng panukalang 2024 budget ng Department of National DEFENSE (DND), sinabi ni zubiri na isusulong niya ang pagkakaroon ng special provision sa 2024 GAA… Continue reading SP Zubiri, isusulong na ma-exempt ang defense department sa procurement law

Senado, nangakong tataasan ang pondo para sa AFP modernization plan

Nagkaroon ng executive session ang mga senador kasama ang Department of National Defense (DND) para pag-usapan ang detalye ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Base sa 2024 budget presentation ng DND sa naging pagdinig ng Senate Subcommittee on Finance, nasa P115 billion ang requested budget nila para sa AFP modernization. Gayunpaman,… Continue reading Senado, nangakong tataasan ang pondo para sa AFP modernization plan

Mahigit 500 bilateral activities, ipatutupad ng AFP at US Military sa taong 2024

Mahigit 500 bilateral activities ang kinumpirma nang ipatupad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Estados Unidos sa susunod na taon Kapwa inihayag ng AFP at ng US Indo- Pacific Command sa katatapos na taunang Mutual Defense Board – Security Engagement Board meeting na ginanap sa Camp Aguinaldo. Dumalo dito sina AFP Chief… Continue reading Mahigit 500 bilateral activities, ipatutupad ng AFP at US Military sa taong 2024

Pagsulpot ng US Navy sa kasagsagan ng operasyon ng militar, hindi na bago – AFP Chief

Hindi na bago sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang presensya ng Estados Unidos sa mga operasyon ng militar ng Pilipinas. Ito ang binigyang diin ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. matapos mapaulat ang United States Navy Aircraft sa bahagi ng Ayungin Shoal kasabay ng isinagawang re-supply mission sa mga sundalo… Continue reading Pagsulpot ng US Navy sa kasagsagan ng operasyon ng militar, hindi na bago – AFP Chief

AFP, tiniyak na handa sila sakaling mauwi sa armed attack ang tensyon sa WPS; Mas maraming mangingisdang Pinoy, nagbabalik na sa pangingisda sa doon

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magiging handa sila sakaling mauwi sa armadong pag-atake ang resupply mission ng sandatahang lakas sa West Philippine Sea. Ito ang pinahayag ni AFP Assistant Deputy Chief of Staff for Operations Navy Captain Peter Jempsun de Guzman sa naging pagdinig ng Senate Coommittee on National Defense tungkol… Continue reading AFP, tiniyak na handa sila sakaling mauwi sa armed attack ang tensyon sa WPS; Mas maraming mangingisdang Pinoy, nagbabalik na sa pangingisda sa doon

Mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa nangyayari sa West Philippine Sea, binatikos ng PCG official

Umapela sa publiko si Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na magkaisa laban sa mga nagkakalat ng fake news tungkol sa isyu ng West Philippines Sea. Sa media forum, naglabas ng litanya si Commodore Tarroila dahil may ilang indibidwal ang aniya’y nagdedepensa pa sa China. Ito’y sa kabila ng… Continue reading Mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa nangyayari sa West Philippine Sea, binatikos ng PCG official