Patuloy na isinasagawa ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang familiarization tour para sa mga mag-aaral.
Layon ng Fam Tour ng LRTA na ipaalam sa mga estudyante ang kahalagahan ng mass rail system sa Pilipinas at kung paano pinatatakbo ang isang tren.
Tampok sa Fam Tour ang mga ipinagmamalaking pasilidad ng LRTA gaya ng Operations Control Center, Workshop, at Stabling Area. At ang “Highlight” naman ng Fam Tour ay ang train ride kung saan maiikot ng mga estudyante ang ilang istasyon ng LRT-2.
Ayon sa LRTA, umabot sa 3,377 estudyante mula sa 25 na eskwelahan ang nag-tour sa Line 2 Depot nitong 2023 matapos itong matigil ng tatlong taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Inihayag ni LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera na magpapatuloy ang Fam Tour para sa mga estudyante dahil gusto ng pamunuan na makatulong lalo na sa mga nais na maging engineer sa hinaharap. | ulat ni Diane Lear
📷: LRTA