Hinimok ni Finance Secretary Ralph Recto ang Kongreso na maging ka-partner ng kagawaran sa pagpasa ng mga kinakailangang reporma upang mabawasan ang deficit at pagkakautang ng bansa.
Ito ang inihayag ni Recto sa ginanap na 2024 Philippine Economic Outlook Briefing kaharap ang mga senior staff ng mga mambabatas at mga kinatawan ng national government agencies.
Ginawa ang brefing upang tulungan ang mga senior staff of legislation na maunawaan ang mga priority bills ng Department of Finance (DOF) at upang linawin ang mga misconception bago ang muling pagsisimula ng session ng Kongreso.
Aniya, kung hindi sa tulong ng Kongreso ay hindi magbubunga ang mga hangarin ng mga importanteng batas para sa ikauunlad ng bansa.
Present din sa briefing ang mga resource person mula sa mga opisina ng DOF para talakayain ang mga salient features ng priority bills, fiscal impact nito, at target legislative timeline. | ulat ni Melany Valdoz Reyes