Naniniwala si Finance Secretary Benjamin Diokno na kayang makamit ng administrasyong Marcos Jr. ang target na ‘unemployment rate’ na 4-5% o mas mababa pa sa taong 2028.
Ginawa ni Diokno ang pahayag kasunod ng inilabas na “historic low unemployment rate” na 3.6% para sa buwan ng Nobyembre ng nakaraang taon.
Kumpiyansa ang kalihim na patuloy na mag-iimprove ang labor force survey dahil sa ipinatutupad na comprehensive strategy sa employment at investment generation ng gobyerno.
Nangako rin si Diokno na patuloy na pangangalagaan ng gobyerno ang macroeconomic stability sa pamamagitan ng ‘Medium Term Fiscal Framework’.
Paliwanag niya, magreresulta ito ng paglikha ng dekalidad na trabaho na magtutulak sa paglago ng ekonomiya. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes