Umaasa si Finance Secretary Benjamin Diokno para sa kooperasyon at suporta ng lahat ng bumubuo ng Maharlika Investment Corporation (MIC).
Ito ang mensahe ni Diokno sa kauna-unahang board meeting ng MIC na ginanap kamakailan.
Ayon kay Diokno, ngayong taon ay inaasahang magiging fully operational ang MIF na siyang magtutulak sa paglago ng bansa.
Diin ng kalihim na Chairperson ng MIC in an ex officio capacity, na mahalaga na umiiral ang highest standards of accountability, fiscal responsibility at good governance.
Sa nasabing pulong, inaprubahan ng MIC board ang capitalization scheme na nagkakahalaga ng P125 billion.
Samantala, iprinisinta naman ni MIC President and Chief Executive Officer (PCEO) Rafael D. Consing, Jr. ang ilang mga sector na maaaring magamit ng MIF upang paghusayin na lumago.
Kabilang dito ang Oil, Gas, at Power; Agroforestry Industrial Urbanization; Mineral Processing; Tourism; Transportation; at Aerospace and Aviation.
Nagbigay din ng update si PCEO Consing sa start-up activities ng MIC gaya ng staffing recruitment at hiring ng management team.
Sa katapusan ng Enero, inaasahan na ang susunod na board meeting ng MIC. | ulat ni Melany Valdoz Reyes