Namaalam na sa mga empleyado ng Department of Finance si Sec. Benjamin Diokno matapos italaga si Deputy Speaker Ralph Recto bilang bagong Kalihim.
Sa panayam ng media, nagpasalamat si Sec. Diokno kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa tiwala nito sa nakalipas na isang taon at kalahati.
Sabi ni Diokno, mas mabuti na ngayon ang kalagayan ng pananalapi kung ikukumpara sa minana nitong sitwasyon sa nakaraang administrasyon.
Kaniya na ring inanunsyo na iiwanan niya na ang Kagawaran na pinaglingkuran niya ng isa’t kalahating taon.
Si Cong. Recto ay nakatakdang manumpa ngayong hapon bilang bagong Kalihim ng Department of Finance. | ulat ni Michael Rogas