Inatasan na Finance Secretary Ralph Recto ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) na lalo pang palakasin ang tax at customs administration upang makamit ang total revenue collection target na P4.3 trillion ngayong 2024.
Ito’y alinsunod sa marching orders ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang panatilihin ang paglago at matiyak ang pondo para sa social at infrastructure development.
Ayon kay Recto, ang BIR at BOC ang frontrunner at sentro ng “gameplan at fiscal sustainability” ng gobyerno.
Ayon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) Medium-Term Fiscal Program ang P3.05-trillion at magmumula sa BIR habang ang Customs naman ay inaasahang makakalikom ng P1-trillion.
Aminado naman ang kalihim sa mga hamon na kahaharapin ng mga revenue generating agencies sa gitna ng “ongoing challenges” dala ng pandemya at tumataas na external risk na nakaapekto sa global supply chain at inflation.
Diin ni Recto, importante ang maayos na koordinasyon ng dalawang ahensya para matiyak na maipatutupad ang ease of paying taxes at maialis ang trade barriers. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes