Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto na hindi magpapataw ng bagong buwis ang gobierno ngayong taon.
Ayon kay Recto, ang target niya ay maayos at episyenteng tax collection ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC).
Sa press briefing na isinagawa ng kalihim sa BOC, binigyan-diin nito na kailangan i-optimize ng dalawang ahensya ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng creative, transparent, at pahusay na tax at customs administration.
Naniniwala kasi ang kalihim na kung magpapataw ng bagong buwis ay magtutulak ito pataas ng inflation.
Inanunsyo rin ng DOF chief na kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan kay Office of Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs’ (SAPIEA) Secretary Frederick Go para sa pagpapatupad ng integrated system for pre-border verification and invoicing upang masugpo ang smuggling and misdeclarations.
Ipinunto rin ng kalihim na panahon nang pairalin ng revenue collecting ang integridad sa kanilang operasyon at tuluyan nang iwaksi ang korupsyon sa ahensya. | ulat ni Melany Valdoz Reyes