Welcome addition si dating Senador at ngayo’y Finance Secretary Ralph Recto sa gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ayon kay Senate Majority leader Joel Villanueva.
Ayon kay Villanueva, bitbit ni Recto sa kanyang pagharap sa bagong tungkulin ang malawak niyang karanasan sa Lehislatura at sa Ehekutibo gayundin sa economic at fiscal policies.
Itinuturing rin aniya itong tax whiz ng Senado noon kaya masasabing good news ang appointment ni Recto para sa ating bansa.
Naniniwala naman ni Senador Lito Lapid na bilang bagong kalihim ng Department of Finance (DOF) ay magagampanan ni Recto nang buong husay ang kanyang tungkulin.
Tiwala rin si Lapid na epektibo nitong mapapatupad ang economic program ni Pangulong Marcos.
Nangako rin si Lapid na susuportahan ang mga economic reform measures at programs na itutulak ng Recto. | ulat ni Nimfa Asuncion