Nanumpa na si Finance Secretary Ralph Recto bilang miyembro ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Monetary Board.
Ang panunumpa ay pinangunahan ni BSP Governor Eli Remolona kaninang hapon.
Si Recto ang pinakabagong miyembro at bubuo ng 7-member Monetary Board kasunod ng kanyang pagkakatalaga bilang Finance Chief.
Mahalaga ang kanyang magiging papel ngayong minimintine ng BSP ang mahigpit na “monetary stance” bilang tugon sa issues na may kinalaman sa inflation, sa kabila ng moderate consumer price growth.
Makakasama ng kalihim ang iba pang monetary board member na siyang kakatawan sa gobyerno, ito ay si V. Bruce Tolentino, Anita Linda Aquino, Romeo Bernardo, Rosalia de Leon, at ang kanyang predecessor na si dating DOF Sec. Benjamin Diokno.
Ang makapangyarihang Monetary Board ay responsable sa pagbalangkas ng polisya at desisyon para sa BSP operation, at pangangasiwa ng financial system ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes