Siniguro ng House leadership ang suporta ng pamahalaan sa lokal na paggawa ng modern jeep.
Kasunod ito ng dayalogo sa pagitan ng Kamara at eFrancisco Motor Corporation at Sarao Motors.
Matatandaang una nang sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na mas bibigyang prayoridad ng gobyerno ang gawang Pilipino dahil magbubunga ito ng maraming trabaho at iba pang pakinabang.
Kasabay nito ay ibinahagi naman ni Elmer Francisco sa mga mambabatas ang kanilang pakikipag-usap sa Maharlika Investment Corporation para sa posibleng pamumuhunan upang mapabilis ang PUV Modernization Program.
Sa naturang konsultasyon kasama si MIC Chief Executive Officer Joel Consing, ay napagusapan ang posibleng 200 million US dollar o katumbas ng P11-bilyon puhunan mula sa Maharlika Investment Fund para sa PUVMP. | ulat ni Kathleen Forbes