Nagbigay ng iba’t ibang equipment sa National Bureau of Investigation ang German Federal Police Liaison Office na magagamit laban sa human trafficking sa bansa.
Ang mga donasyong equipment ay ipinagkaloob ni German Ambassador to Manila, Dr. Andreas Pfaffernoschke, kay NBI Director Medardo De Lemos.
Ilan sa mga ipinagkaloob na equipment ang 10 units ng laptop, 2 units desktop ccanner, 2 units Copier Kyocera, 15 units ng printer Brother, 2 sets ng PC Desktop, 10 ng units anti-virus at marami pang iba.
Nag-donate na noong Setyembre 25, 2023 ng iba’t ibang logistics ang German Federal Police Liaison Office (BKA) sa pamamagitan ng German Embassy of the Federal Republic of Germany sa NBI ng maraming kagamitan na ginagamit na ng ahensiya.
Labis naman ang pasasalamat ni NBI Director Lemos sa German Ambassador at iba pang delegasyon ng Aleman.
Binigyang-diin nito ang higit pang magpapahusay sa operational capabilities ng NBI gamit ang mga bigay na donasyon.
Hindi aniya natitinag sa kanilang pangako ang patuloy na paglaban at pagpuksa sa iba’t ibang uri ng kriminalidad tulad ng human trafficking at online sexual exploitation. | ulat ni Rey Ferrer
📷: NBI