Germany, handang makipagtulungan sa Pilipinas para sa pagsusulong ng karapatan nito sa West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahandang makipagtulungan ang bansang Germany sa Pilipinas para sa pagsusulong ng karapatan nito sa West Philippines Sea sa naging desisyon ng 2016 Arbitral Tribunal sa pinag-aagawang teritoryo.

Ito’y matapos ang ilang mararahas na hakbang ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard nitong mga nakaraang resupply mission sa Ayungin Shoal.

Ayon kay German Foreign Minister Annalena Baerbock, bagamat libo-libong kilometro ang layo nila, sila mismo ay nababahala sa patuloy na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China, na maaaring makaapekto sa economic development ng bansa.

Dagdag pa ng Foreign minister na nais nilang muling palakasin ang kasalukuyang kooperasyon sa Philippine Coast Guard sa pamamagitan ng pag-donate ng karagdagan drones upang makatulong sa monitoring sa West Philippine Sea.

Sa huli, muling iginiit ni Foreign Minister Baerbock na tutulong sila sa ating bansa upang ipaglaban ang karapatan nito sa West Philippine Sea dahil malinaw aniya, na pasok ito sa 200-Nautical-Mile Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio

📸: PNA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us