Upang mas mapalakas pa ang Technical Vocational Education and Training (TVET) programs ng pamahalaan, nais palakasin ng bansang Germany ang kolaborasyon nito sa bansa para sa pagsasanay sa TVET Program curriculum ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Sa naging pagbisita kahapon ni German Foreign Minister Annalena Baerbock sa TESDA, sinabi nito na handang tumulong ang kanilang bansa sa pagpapalakas ng TVET programs ng TESDA upang makasabay sa international standards ang Pilipinas.
Kabilang dito ang mga kababaihang nasa ilalim ng pagsasanay ng TESDA Women’s Center.
Ayon naman kay TESDA Secretary Suharto Mangudadatu, ilang taon nang ka-partner ng TESDA ang bansang Germany sa pag-improve ng trainings sa mga tech-voc graduates. At patuloy din ang implementasyon ng dual training system na layong mapaunlad pa ang kaalaman ng bawat scholar sa mga kursong iniaalok ng TESDA upang makapagtala ng high chance employment rate sa mga Filipino tech-voc graduates.
Sa huli, taos-puso namang nagpasalamat si Secretary Suharto Mangudadatu kay Foreign Minister Baerbock sa patuloy na pagsuporta nito sa Pilipinas bilang katuwang sa pagpapataas ng antas ng kasanayan ng TESDA scholars. | ulat ni AJ Ignacio