Hinihimok ni Civil Service Commission Chairperson Karlo Nograles ang public servants na itaas ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng pagsali sa competency-based earning and development (L&D) courses.
Ayon sa CSC, inaalok ito online sa pamamagitan ng CSC Learning Management System (LMS).
Ang LMS ay isang online platform na binuo ng Civil Service Institute na nagsisilbing one-stop-shop para sa mga civil servant na gustong pahusayin ang kanilang leadership at human resource management skills.
Bukod sa blended programs, nag-aalok din ang LMS ng mga eLearning Courses, isang self-directed approach na nagbibigay-daan sa participants na ma-access ang mga resources sa online learning.
Maaaring mag-enroll ang mga government official at employees sa libreng Public Service Values Program: Bawat Kawani Lingkod Bayani course na inaalok hanggang Enero 31, 2024.
Samantala, ang Supervisor’s Guide to Performance Coaching, isang e-Learning Course na available nang libre hanggang Enero 31, 2024.
Sa Pebrero 9 naman, ibibigay para sa mga interesado ang libreng Orientation on Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN). Habang ang Workplace Wellness Workshop, ay sa Pebrero 16 hanggang 20, 2024. | ulat ni Rey Ferrer