Green investment at enerhiya, ilan sa napag-usapan ng Pilipinas at kilalang policy makers sa World Economic Forum

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong si Speaker Martin Romualdez bilang head ng Philippine Delegation sa 2024 World Economic Forum Meeting, at kanyang Swiss counterpart na is Eric Nussbaumer, Presidente ng National Council (Parliament) of Switzerland.

Kabilang sa natalakay ng dalawa ay ang pagpapalakas sa ugnayan ng Pilipinas at Switzerland pagdating sa sektor ng Enerhiya.

Mayroon kasing malawak na karanasan ang Swiss official sa naturang sektor.

Ayon kay Romualdez, pursigido si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtutulak ng energy transition sa pamamagitan ng paggamit ng renewable energy kasama na ang nuclear energy.

Nagkaroon din ng pagkakataon si Romualdez at si Energy Secretary Raphael Lottilla na makausap ang founder ng isa sa pinakamalaking hedge fund sa mundo na Bridgewater Associates, na si Ray (Raymond Thomas) Dalio patungkol sa kung paano magiging matagumpay ang green investments.

Maliban dito ay muli ring nagkita ang House Speaker at si Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh.

Inaasahan na sa katapusan ng buwan ng Enero ay bibiyahe si Pangulong Marcos para sa isang state visit sa Vietnam kung saan pormal na lalagdaan ang kasunduan sa suplay ng bigas.

Ang mga engagement na ito ay patunay ani Romualdez sa pagiging angkop na plataporma ng WEF para makipagugnayan sa iba’t ibang lider ng bansa at negosyo, na makatutulong sa pagtugon sa pandaigdigang isyu na kinakaharap ng maraming mga bansa. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us