Inilabas na ng International Monetary Fund (IMF) ang kanilang growth forecasts sa Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas para ngayong 2024.
Base sa World Economic Outlook (WEO) Report, tinatayang nasa six percent ang paglago, mas mataas sa kanilang naging unang projection na 5.9 percent.
Ayon kay IMF Representative to the Philippines Ragnar Gudmondsson, nirepaso ng IMF ang kanilang unang naging projection ng bahagyang mas mataas dahil sa ipinapakitang mas malakas na pagbawi ng investment at export.
Inaantabayanan naman ngayon ang paglalabas Philippine Statistic Authority (PSA) ng nakamit na GDP growth sa taong 2023, na ayon sa IMF sa kanilang pagtaya, ito ay mananatili pa rin sa 5.3 percent.
Para sa taong 2025, nasa 6.1 percent naman ang GDP forecast sa bansa.
Nanatili rin ang pagtaya ng IMF sa nauna nilang projection na paglago sa local economy na nasa 6-to-6.5 percent over the medium term, dahil anila, sinusuportahan ang bansa ng infrastructure development, foreign investments, at private sector funding.
Diin ni Gudmondsson, dahil sa 6-to-6.5 percent growth projection hanggang medium term, mananatli ang bansa bilang strongest performer sa rehiyon ng Asya. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes