Bilang pinuno ng Kamara, inihayag ni House Speaker Martin Romualdez ang kaniyang buong suporta sa inisyatiba ng Senado na ihain ang Resolution of Both House No. 6
Ang RBH 6 ay inihain ni Senate President Juan Miguel Zubiri ngayong araw para magpatawag ng Constituent Assembly bilang pamamaraan ng pag-amyenda sa 1987 Constitution, partikular ang restrictive economic provisions nito.
Ayon kay Romualdez, nasa punto ngayon ang Pilipinas ng transformative economic growth kaya’t mahalaga na makasabay din ang ating Saligang Batas sa nagbabagong global economic landscape
Hindi lamang aniya napapanahon ang mga pagbabagong ito ngunit kinakailangan upang mabuksan ang protensyal ng ating bansa.
Kinikilala din aniya ng Constituent Assembly ang paggalang sa demoksrasya at participatory process.
Sinabi rin ng House leader, na ang pagpapatibay sa RBH 6 ay nagpapatotoo sa pagkakaisa ng iisang hangarin ng Senado at Kamara.
Sinisiguro naman ni Romualdez na bilang sensitibong usapin ang pag-amyenda sa konstitusyon ay kikilalanin ang boses ng taumbayan at gagawin ito sa isang inklusibo, bukas at hayag na pamamaraan.
“We recognize that amending the Constitution is a significant and sensitive endeavor. It requires not only the collective will of Congress but also the support and understanding of the Filipino people. We are committed to ensuring that this process is transparent, inclusive, and reflective of the aspirations of our citizens…As Speaker, I assure the Filipino people that their voices will be heard and their interests safeguarded as we embark on this journey towards a brighter and more prosperous future for the Philippines.” Sabi ni Speaker Romualdez.
March 2023 nang pagtibayin ng Kamara ang RBH 6 para sa pagpapatawag ng constitutional convention para amyendahan ang Saligang Batas. | ulat ni Kathleen Forbes