Naitala ng Philippine Statistics Authority ang bahagyang pagtaas sa halaga ng produksyon sa agriculture sector sa ikaapat na quarter ng 2023.
Sa ulat ng PSA, lumago sa 0.7% ang production output ng sektor.
Katumbas ito ng overall agri production output na P493.72 billion na mas mataas kumpara sa P490.06 billion output sa sektor sa kaparehong panahon noong 2022.
Kabilang sa nakaambag rito ang pagtaas sa halaga ng mga pananim, livestock at poultry production.
Pinakamalaki ang itinaas sa poultry production na umakyat sa 7.8% o katumbas ng P67.65 billion.
Sinundan ito ng livestock production na mayroon ding annual growth na 2.7% at nakaambag ng P72.10 billion sa kabuuang agri value. Pinakamataas ang naging ambag rito ng hog production value na may naitalang increment na 3.7%
Aabot naman sa P290 billion ang halaga ng crop production kung saan nasa 0.2% ang ambag na pagtaas sa palay habang bumaba naman sa 1.8% ang halaga ng produksyon ng mais. | ulat ni Merry Ann Bastasa