Umabot sa 3,932 ang mga pulis na napatawan ng parusa sa iba’t ibang kaso mula July 1, 2022 hanggang January 3 ng taong ito.
Ito ang iniulat ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon.
Sa bilang na ito, 985 ang tuluyang na-dismiss sa serbisyo, kung saan 65 ang positibo sa paggamit ng iligal na droga at 43 ang sangkot sa iligal na droga.
Nasa 230 naman ang na-demote, kung saan 10 ay may kaugnayan sa droga.
Habang 1,701 ang napatawan ng suspensyon, kung saan 60 ang dahil pa rin sa pagkakasangkot sa iligal na droga.
Samantala, 143 ang na-forfiet ang sweldo, 696 ang nabigyan ng reprimand, 79 ang na-restrict, at 109 ang na-withhold ang pribilehiyo. | ulat ni Leo Sarne
📸: PNA