Umaabot na sa halos 55,000 kilos o nasa 1.4 million pesos na halaga ng highland vegetables ang naibenta ng Department of Agriculture Regional Field Office Number 02 sa pagpapatuloy ng Buying Rescue Program ng mga ito.
Batay sa talaan ng DA RFO2, malaking bahagi nito o nasa mahigit 38,000 kilos ng repolyo, Chinese petchay at nang iba pang pangsahog ang naibenta ng DA- Cagayan Valley Research Center Employees Cooperative na may kabuuang halaga na 1.1 million pesos; halos 10,000 kilo sa DA- Agribusiness Marketing Assistance Division (AMAD); , 1,880 sa Happy Farmers Coop; 2,058 kilos sa Greeners Cooperative at 1,530 kilos naman sa DA-QES Employees Cooperative.
Labis na ikinatuwa ni OIC Regional Executive Director Rose Mary G. Aquino, ng DA- RFO2 ang magandang accomplishment na ito ng ahensya, sa tulong ng mga DA employees’ cooperatives at farmer’s cooperatives and associations.
Aniya, magtuloy-tuloy ang food rescue mission, veggie connect at market linkage ng ahensiya, kooperatiba at assosasyon para matulungan ang mga magsasaka.
Kasabay ng panawagan na magtulungan sana ang bawat sektor upang maibsan ang problema sa merkado ng mga agricultural products sa rehiyon.
Aniya, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DA RFO 02 sa mga lokal na pamahalaan, national agencies at pribadong sektor upang maagapan ang pagtatapon na naman ng mga produkto na hindi nabebenta.
Matatandaan na dumagsa ang mga gulay sa Nueva Vizcaya Agricultural terminal (NVAT) dahil sabay sabay ang pag ani ng mga vegetable farmers sa Nueva Vizcaya, Benguet at Ifugao. | ulat ni Dina Villacampa | RP1 Tuguegarao