Halos 60,000 bags ng hybrid rice, naipamahagi na ng DA-Bicol sa mga magsasaka bilang bahagi ng paghahanda sa El Niño

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapamahagi na ng Department of Agriculture (DA) Bicol ng halos 60,000 bags ng hybrid rice seeds sa mga magsasaka sa rehiyon bilang bahagi ng paghahanda sa El Niño.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas Naga kay Lovella Guarin, tagapagsalita ng DA Bicol, sinabi nitong noong December 2023, nakapamahagi na ang kanilang ahensya ng kabuuang 59,761 bags ng hybrid rice seeds sa mga magsasaka upang maitanim sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Noong buwan din ng December, mayroon ng 39,436 hectares ang nataniman na ng hybrid rice sa Bicol.

Samantala, ayon kay Guarin, nasa 64,603 na mga magsasaka mula sa Bicol, 68,749 hectares ng rice land, 22,525 hectares ng mais at 17,000 hectares ng high value crop farms ang posibleng maapektuhan kung sakaling maramdaman na sa rehiyon ang matinding init ng panahon

Sinabi rin ni Guarin na ang mga sakahan na nasa irrigated area ay posibleng hindi gaanong maapektuhan ng El Niño. | ulat ni Vanessa Nieva | RP1 Naga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us