Pinagana ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang helpline para umalalay sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) gayundin sa mga pamilya nito.
Ayon sa DMW, ito’y para umalalay sa mga naapektuhan ng magnitude 7.6 na lindol sa Ishikawa District sa Central Japan nitong umaga ng Bagong Taon, January 1.
Batay sa abiso ng DMW, para sa mga OFW at pamilya nito na nangangailangan ng tulong, maaari lamang tumawag sa DMW – OWWA Japan Help Desk sa mga numerong 1348 o di kaya’y sa +632-1348 kung magmumula ang tawag abroad.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), aabot sa 1,300 mga Pilipino ang nasa Ishikawa District na siyang episentro ng tumamang lindol. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: Pinoy Publiko