Higit ₱53-M ayuda, naipaabot na ng DSWD sa mga apektado ng shear line

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa higit ₱53-million ang halaga ng ayudang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang LGUs sa mga lalawigang naapektuhan ng masamang panahon dulot ng shear line.

Kabilang sa naabutan ng ayuda ang mga residente mula sa 480 na apektadong barangays sa Region 10, 11, at CARAGA.

Samantala, as of January 23 ay umakyat pa sa 185,000 pamilya o katumbas ng halos 800,000 na indibidwal ang naitalang apektado ng shear line.

Bagamat bumaba naman sa 178 pamilya o higit 500 indibidwal ang nananatili sa evacuation centers.

Tiniyak naman ng DSWD na sapat ang pondo nito sakaling mangailangan pa ng karagdagang tulong ang mga apektado ng shear line.

Katunayan, aabot pa sa higit apat na bilyon ang available relief resources nito kabilang ang standby funds at stockpile. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us