Mayroong higit sa 129-milyon ang bilang ng mga pasaherong sumakay sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3) noong 2023.
Mas mataas ito ng 30% kung ikukumpara sa kabuuang 98.3-million ridership na naitala noong 2022.
Tumaas rin ng higit 30% ang average daily ridership noong 2023 na umabot sa 357,198 mula sa 273,141 noong 2022.
Samantala, naitala naman noong August 22 ang pinakamaatas na single-day ridership sa tren na umabot sa 450,298 pasahero.
Mayroon ding 220,706 pasahero ang nakinabang sa iba’t ibang libreng sakay noong nakaraang taon.
Ayon kay Transport Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino, maraming pasahero lalo na ang mga nagbalik sa on-site work ang pinipiling sumakay sa MRT-3 dahil mas mabilis at maaasahan itong transportasyon.
Bukod dito, ipinunto rin ni Asec. Aquino ang mas epektibong maintenance program sa tren na naging factor din sa pagtaas ng ridership.
“The MRT-3 served as a reliable partner to more commuters who returned to on-site work in 2023, and needed a fast and dependable mode of transport. The continued effective maintenance and upkeep of MRT-3’s rehabilitated subsystems contributed to the improved reliability and efficiency of the rail line. Our trains now receive necessary preventive maintenance and upkeep on time, while other subsystems such as tracks, signaling, and power are also properly maintained,” ani Asec. Aquino.
Dahil sa tuloy-tuloy na improvement sa operasyon ng MRT-3, sa ngayon ay nasa 30-45 minutes na lang aniya ang travel time mula North Avenue Station hanggang Taft Avenue Station na may headway na 3.5-4 minutes tuwing peak hours.
Matatandaang noong Mayo ng 2023, pinalawig pa ng Department of Transportation (DOTr) ang maintenance at rehabilitation contracts nito sa Sumitomo, na nagresulta sa mas magandang takbo ng tren hanggang 2025. | ulat ni Merry Ann Bastasa