Higit 1,300 residente, pinagkalooban ng tulong-pangkabuhayan sa unang buwan ng taon ng QC LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa 1,314 residente ng lungsod Quezon ang nakatanggap ng tig P5,000 tulong-pangkabuhayan mula sa pamahalaang lungsod ngayong buwan ng Enero, 2024.

Ginawa ito ng pamahalaang lungsod sa ilalim ng Small Income Generating Assistance (SIGA) program.

Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nag-abot ng financial aid sa mga benepisyaryo mula sa anim na distrito ng lungsod.

Kuwalipikado bilang benepisyaryo ng programa ang mga displaced at resigned employees, micro-entrepreneurs & vendors na mababa sa P250,000 capitalization, PWD Laid-off OFW, at mga walang trabahong solo parent.

Nakapagbigay din ang LGU ng pampuhunan sa siyam na grupo ng entrepreneur sa tulong ng Sikap at Galing Pangkabuhayan (SIGAP) program.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us