Mula Abril hanggang Disyembre 2023, kabuuang 1,772 na indibidwal ang naialis at nailayo sa kapahamakan sa mga lansangan ng Metro Manila.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development, naisakatuparan ito sa ilalim ng Oplan Pag-Abot Program ng ahensya.
Abril din ng taon nang pasimulan ang nasabing priority project ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na 24/7 ang operasyon sa tulong ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, MMDA, CHR at Philippine Statistics Authority.
Ang nasabing mga indibidwal ay nabigyan ng karampatang interbensyon sa mga programa ng pamahalaan.
Ngayong 2024, sisikapin ng DSWD na maipagpatuloy ang Oplan Pag-Abot Project upang mabigyan ng bagong buhay ang mga pamilya at indibidwal na nakatira sa mga lansangan. | ulat ni Rey Ferrer