Aabot sa 2,093 mga pulis ang idedeploy ng Philippine National Police (PNP) sa Bagong Pilipinas kick off rally sa Maynila, bukas, Enero 28, 2024.
Sinabi ni PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo na bukod pa ito sa force multipliers at standby force.
Binanggit din ni Fajardo na wala namang natatanggap na seryosong banta ang PNP hinggil sa nasabing aktibidad.
Gayunman, nakahanda ang Pambansang Pulisya na bigyang seguridad ang mga lalahok sa aktibidad bukas sa Quirino Grandstand.
Inaasahang lalahukan ang ilulunsad na Bagong Pilipinas ng 200,000 indibidwal na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ilang matataas na opisyal ng pamahalaan. | ulat ni Rey Ferrer